Mga Awit 106:4-5
Mga Awit 106:4-5 Ang Biblia (TLAB)
Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan; Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas: Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang, upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa, upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.
Mga Awit 106:4-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tulungan mo ako, kapag ang bayan mo'y iyong nagunita, sa pagliligtas mo, ang abâ mong lingkod isama mo sana; upang makita ko ang pag-unlad nila na iyong hinirang, kasama ng iyong bansang nagagalak, ako'y magdiriwang.
Mga Awit 106:4-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tulungan mo ako, kapag ang bayan mo'y iyong nagunita, sa pagliligtas mo, ang abâ mong lingkod isama mo sana; upang makita ko ang pag-unlad nila na iyong hinirang, kasama ng iyong bansang nagagalak, ako'y magdiriwang.
Mga Awit 106:4-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, alalahanin nʼyo ako kapag tinulungan nʼyo na ang inyong mga mamamayan; iligtas nʼyo rin ako kapag iniligtas nʼyo na sila, upang akoʼy maging bahagi rin ng kaunlaran ng inyong bansang hinirang, at makadama rin ng kanilang kagalakan, at maging kasama nila sa pagpupuri sa inyo.
Mga Awit 106:4-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan; Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas: Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang, Upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa, Upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.