Mga Awit 118:1-7
Mga Awit 118:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman. Ang taga-Israel, bayaang sabihi't kanilang ihayag, “Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.” Kayong mga pari ng Diyos na si Yahweh, bayaang magsaysay: “Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.” Lahat ng may takot kay Yahweh, dapat magpahayag, “Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.” Nang ako'y magipit, ang Diyos na si Yahweh ay aking tinawag; sinagot niya ako't kanyang iniligtas. Kung itong si Yahweh ang aking kasama at laging kapiling, walang pagkatakot sa aking darating. Si Yahweh ang siyang sa aki'y tumutulong laban sa kaaway, malulupig sila't aking mamamasdan.
Mga Awit 118:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pasalamatan ang PANGINOON, dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan. Ang lahat ng mamamayan ng Israel ay magsabi, “Ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.” Ang lahat ng mga angkan ni Aaron ay magsabi, “Ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.” Ang lahat ng may takot sa PANGINOON ay magsabi, “Ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.” Sa aking kagipitan, dumulog ako sa PANGINOON, at akoʼy kanyang sinagot at iniligtas. Kasama ko ang PANGINOON, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao sa akin? Kasama ko ang PANGINOON, siya ang tumutulong sa akin. Makikita ko ang pagkatalo ng aking mga kaaway.
Mga Awit 118:1-7 Ang Biblia (TLAB)
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Magsabi ngayon ang Israel, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon: sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako. Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot: anong magagawa ng tao sa akin? Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin: kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.
Mga Awit 118:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman. Ang taga-Israel, bayaang sabihi't kanilang ihayag, “Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.” Kayong mga pari ng Diyos na si Yahweh, bayaang magsaysay: “Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.” Lahat ng may takot kay Yahweh, dapat magpahayag, “Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.” Nang ako'y magipit, ang Diyos na si Yahweh ay aking tinawag; sinagot niya ako't kanyang iniligtas. Kung itong si Yahweh ang aking kasama at laging kapiling, walang pagkatakot sa aking darating. Si Yahweh ang siyang sa aki'y tumutulong laban sa kaaway, malulupig sila't aking mamamasdan.
Mga Awit 118:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Magsabi ngayon ang Israel, Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron, Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon, Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon: Sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako. Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot: Anong magagawa ng tao sa akin? Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin: Kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.