Mga Awit 119:18-20
Mga Awit 119:18-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Buksan mo ang paningin ko pagkat nananabik masdan, kabutihang idudulot sa akin ng iyong aral. Ang buhay ko sa daigdig ay pansamantala lamang, kaya huwag mong ikukubli sa akin ang kautusan. Ang puso ko'y nasasabik, at ang laging hinahangad, ang lahat ng tuntunin mo ay mabatid oras-oras.
Mga Awit 119:18-20 Ang Salita ng Dios (ASND)
Buksan nʼyo ang aking isipan upang maunawaan ko ang kahanga-hangang katotohanan ng inyong kautusan. Akoʼy pansamantala lang dito sa sanlibutan, kaya ipaliwanag nʼyo sa akin ang inyong mga utos. Sa lahat ng oras ay naghahangad akong malaman ang inyong mga utos.
Mga Awit 119:18-20 Ang Biblia (TLAB)
Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan. Ako'y nakikipamayan sa lupa: huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin. Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.
Mga Awit 119:18-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Buksan mo ang paningin ko pagkat nananabik masdan, kabutihang idudulot sa akin ng iyong aral. Ang buhay ko sa daigdig ay pansamantala lamang, kaya huwag mong ikukubli sa akin ang kautusan. Ang puso ko'y nasasabik, at ang laging hinahangad, ang lahat ng tuntunin mo ay mabatid oras-oras.
Mga Awit 119:18-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita Ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan. Ako'y nakikipamayan sa lupa: Huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin. Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik. Na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.