Mga Awit 119:89-96
Mga Awit 119:89-96 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang salita mo, O Yahweh, di kukupas, walang hanggan, matatag at di makilos sa rurok ng kalangitan. Ang taglay mong katapatan ay hindi na magbabago; ang nilikha mong daigdig, matatag sa kanyang dako. Hanggang ngayon ay matatag, pagkat ikaw ang nag-utos, alipin mo silang lahat at sa iyo'y naglilingkod. Kung ang iyong kautusa'y di bukal ng aking galak, namatay na sana ako sa dinanas na paghihirap. Ang utos mo'y susundin ko, di ito tatalikuran, pagkat dahil sa utos mo, ako ngayo'y nabubuhay. Ang lingkod mo'y iyong-iyo, kaya ako ay iligtas, ang pagsunod sa utos mo ay siya kong sinisikap. Nag-aabang ang masama, upang ako ay mapatay, ngunit ako'y magbubulay sa bigay mong kautusan. Nabatid kong sa daigdig, walang ganap na anuman, ngunit ang iyong mga utos walang hanggan yaong saklaw.
Mga Awit 119:89-96 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Magpakailan man, Oh Panginoon, Ang iyong salita ay natatag sa langit. Ang iyong pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi: Iyong itinatag ang lupa, at lumalagi. Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin; Sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo. Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan, Namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian. Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo; Sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako. Ako'y iyo, iligtas mo ako, Sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo, Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin; Nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo. Aking nakita ang wakas ng buong kasakdalan; Nguni't ang utos mo'y totoong malawak.
Mga Awit 119:89-96 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, ang salita mo ay mananatili magpakailanman; hindi ito magbabago tulad ng kalangitan. Ang inyong katapatan ay magpapatuloy sa lahat ng salinlahi. Matibay nʼyong itinatag ang mundo, kaya itoʼy nananatili. Ang lahat ng bagay ay nananatili hanggang ngayon ayon sa inyong nais. Dahil ang lahat ng bagay ay sumusunod sa inyo. Kung ang inyong kautusan ay hindi nagbibigay sa akin ng kaaliwan, namatay na sana ako dahil sa pagdadalamhati. Hindi ko kailanman lilimutin ang inyong mga tuntunin, dahil sa pamamagitan nitoʼy patuloy nʼyo akong binubuhay. Akoʼy inyo, kaya iligtas nʼyo po ako! Dahil pinagsisikapan kong sundin ang inyong mga tuntunin. Nag-aabang ang masasama upang akoʼy patayin, ngunit iisipin ko ang inyong mga turo. Nakita kong ang lahat ng bagay ay may katapusan, ngunit ang inyong mga utos ay mananatili magpakailanman.
Mga Awit 119:89-96 Ang Biblia (TLAB)
Magpakailan man, Oh Panginoon, ang iyong salita ay natatag sa langit. Ang iyong pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi: iyong itinatag ang lupa, at lumalagi. Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin; sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo. Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan, namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian. Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo; sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako. Ako'y iyo, iligtas mo ako, sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo, Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin; nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo. Aking nakita ang wakas ng buong kasakdalan; nguni't ang utos mo'y totoong malawak.
Mga Awit 119:89-96 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)