Mga Awit 142:2-3
Mga Awit 142:2-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
ang aking dinala'y lahat kong hinaing, at ang sinabi ko'y pawang suliranin. Nang ako ay halos wala nang pag-asa, ang dapat kong gawi'y nalalaman niya. Sa landas na aking pinagdaraanan, may handang patibong ang aking kaaway.
Mga Awit 142:2-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinasabi ko sa inyo ang aking mga hinaing at mga suliranin. Kapag akoʼy nawawalan na ng pag-asa, kayo ay nariyan na nagbabantay kung ano ang nangyayari sa akin. Ang aking mga kaaway ay naglagay ng bitag sa aking dinadaanan.
Mga Awit 142:2-3 Ang Biblia (TLAB)
Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya; aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko. Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko, nalaman mo ang aking landas. Sa daan na aking nilalakaran ay pinagkukublihan nila ako ng silo.
Mga Awit 142:2-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
ang aking dinala'y lahat kong hinaing, at ang sinabi ko'y pawang suliranin. Nang ako ay halos wala nang pag-asa, ang dapat kong gawi'y nalalaman niya. Sa landas na aking pinagdaraanan, may handang patibong ang aking kaaway.
Mga Awit 142:2-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya; Aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko. Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko, Nalaman mo ang aking landas. Sa daan na aking nilalakaran Ay pinagkukublihan nila ako ng silo.