Mga Awit 146:7-8
Mga Awit 146:7-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati; Na nagbibigay ng pagkain sa gutom: Pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo; Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag; Ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob; Iniibig ng Panginoon ang matuwid
Mga Awit 146:7-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag; isinasauli, paningin ng bulag; lahat ng inapi ay itinataas, ang mga hinirang niya'y nililingap.
Mga Awit 146:7-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
Binibigyan niya ng katarungan ang mga inaapi, at binibigyan ng pagkain ang mga nagugutom. Pinalalaya ng PANGINOON ang mga bilanggo. Pinagagaling niya ang mga bulag para makakita, pinalalakas ang mga nanghihina, at ang mga matuwid ay minamahal niya.
Mga Awit 146:7-8 Ang Biblia (TLAB)
Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati; na nagbibigay ng pagkain sa gutom: pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo; Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag; ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob; iniibig ng Panginoon ang matuwid