Mga Awit 15:1-2
Mga Awit 15:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, sino ang maaaring tumira sa inyong templo? Sino ang karapat-dapat na tumira sa inyong Banal na Bundok? Sumagot ang PANGINOON, “Ang taong namumuhay ng tama, walang kapintasan at taos-pusong nagsasabi ng katotohanan
Mga Awit 15:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O Yahweh, sino kayang makakapasok sa iyong Templo? Sinong karapat-dapat sumamba sa iyong burol na sagrado? Ang taong masunurin sa iyo sa lahat ng bagay, at laging gumagawa ayon sa katuwiran, mga salita'y bukal sa loob at pawang katotohanan
Mga Awit 15:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo? Sinong tatahan sa iyong banal na bundok? Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran, at nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.
Mga Awit 15:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)