Mga Awit 16:8-9
Mga Awit 16:8-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Alam kong kasama ko siya sa tuwina; hindi ako matitinag pagkat kapiling siya. Kaya't ako'y nagdiriwang, puso't diwa ko'y nagagalak, hindi ako matitinag sapagkat ako'y panatag.
Mga Awit 16:8-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON palagi ko kayong iniisip, at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag. Kayaʼt nagagalak ang puso ko, at akoʼy panatag, dahil alam kong ligtas ako.
Mga Awit 16:8-9 Ang Biblia (TLAB)
Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: sapagka't kung siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos. Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak: ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.
Mga Awit 16:8-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Alam kong kasama ko siya sa tuwina; hindi ako matitinag pagkat kapiling siya. Kaya't ako'y nagdiriwang, puso't diwa ko'y nagagalak, hindi ako matitinag sapagkat ako'y panatag.
Mga Awit 16:8-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: Sapagka't kung siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos. Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak: Ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.