Mga Awit 31:1-4
Mga Awit 31:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Lumalapit ako sa iyo, Yahweh, upang ingatan; huwag mo sana akong ilagay sa kahihiyan. Ikaw ay isang Diyos na makatuwiran, iligtas mo ako, ito'ng aking kahilingan. Ako'y iyong dinggin, iligtas ngayon din! Sana'y ikaw ang aking maging batong kublihan; matibay na kuta para sa aking kaligtasan. Ikaw ang aking kanlungan at sanggalang; ayon sa pangako mo, akayin ako't patnubayan. Iligtas mo ako sa nakaumang na patibong; laban sa panganib, sa iyo manganganlong.
Mga Awit 31:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, sa inyo ako humihingi ng kalinga. Huwag nʼyong hayaang mapahiya ako. Iligtas nʼyo ako dahil matuwid kayo. Pakinggan nʼyo ako at agad na iligtas. Kayo ang aking batong kanlungan, at pader na tanggulan para sa aking kaligtasan. Dahil kayo ang bato na matibay na kong kanlungan, pangunahan nʼyo ako at patnubayan nang kayo ay aking maparangalan. Ilayo nʼyo ako sa bitag ng aking mga kaaway, dahil kayo ang aking matibay na tanggulan.
Mga Awit 31:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Sa iyo, Oh Panginoon, nanganganlong ako; huwag akong mapahiya kailan man; palayain mo ako sa iyong katuwiran. Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; iligtas mo akong madali: maging matibay na kanlungan ka nawa sa akin, bahay na sanggalangan upang iligtas ako. Sapagka't ikaw ang aking malaking bato, at aking kuta; alangalang nga sa iyong pangalan ay pangunahan mo ako, at patnubayan mo ako. Hugutin mo ako sa silo na kanilang inilagay na lihim ukol sa akin; sapagka't ikaw ang aking katibayan.
Mga Awit 31:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Lumalapit ako sa iyo, Yahweh, upang ingatan; huwag mo sana akong ilagay sa kahihiyan. Ikaw ay isang Diyos na makatuwiran, iligtas mo ako, ito'ng aking kahilingan. Ako'y iyong dinggin, iligtas ngayon din! Sana'y ikaw ang aking maging batong kublihan; matibay na kuta para sa aking kaligtasan. Ikaw ang aking kanlungan at sanggalang; ayon sa pangako mo, akayin ako't patnubayan. Iligtas mo ako sa nakaumang na patibong; laban sa panganib, sa iyo manganganlong.
Mga Awit 31:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sa iyo, Oh Panginoon, nanganganlong ako; Huwag akong mapahiya kailan man; Palayain mo ako sa iyong katuwiran. Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; iligtas mo akong madali: Maging matibay na kanlungan ka nawa sa akin, Bahay na sanggalangan upang iligtas ako. Sapagka't ikaw ang aking malaking bato, at aking kuta; Alangalang nga sa iyong pangalan ay pangunahan mo ako, at patnubayan mo ako. Hugutin mo ako sa silo na kanilang inilagay na lihim ukol sa akin; sapagka't ikaw ang aking katibayan.