Pahayag 12:1-2
Pahayag 12:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kasunod nito'y lumitaw sa langit ang isang kakaibang palatandaan; isang babaing nadaramtan ng araw at nakatuntong sa buwan: ang ulo niya'y may koronang binubuo ng labindalawang bituin. Malapit na siyang manganak kaya't napapasigaw siya dahil sa matinding hirap.
Pahayag 12:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkatapos nito, isang kagila-gilalas na bagay ang nagpakita sa langit. Nakita ko ang isang babaeng nadaramitan ng araw at nakatuntong sa buwan. May korona siya sa ulo na may 12 bituin. Manganganak na siya, kaya dumadaing siya dahil sa matinding sakit.
Pahayag 12:1-2 Ang Biblia (TLAB)
At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: isang babae na nararamtan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin; At siya'y nagdadalang tao; at siya'y sumisigaw, na nagdaramdam sa panganganak, at sa hirap upang manganak.
Pahayag 12:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kasunod nito'y lumitaw sa langit ang isang kakaibang palatandaan; isang babaing nadaramtan ng araw at nakatuntong sa buwan: ang ulo niya'y may koronang binubuo ng labindalawang bituin. Malapit na siyang manganak kaya't napapasigaw siya dahil sa matinding hirap.
Pahayag 12:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)