Pahayag 12:3-4
Pahayag 12:3-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
May isa pang kagila-gilalas na bagay akong nakita sa langit: isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay na may korona sa bawat ulo. Tinangay ng buntot niya ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at itinapon sa lupa. Tumayo ang dragon sa harap ng babaeng manganganak na upang lamunin ang sanggol sa oras na isilang ito.
Pahayag 12:3-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Isa pang palatandaan ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki. Ito'y may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang bawat ulo. Kinaladkad ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos, tumayo siya sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito'y isilang.
Pahayag 12:3-4 Ang Biblia (TLAB)
At ang ibang tanda ay nakita sa langit: at narito, ang isang malaking dragong mapula, na may pitong ulo at sangpung sungay, at sa kaniyang mga ulo'y may pitong diadema. At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya.
Pahayag 12:3-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Isa pang palatandaan ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki. Ito'y may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang bawat ulo. Kinaladkad ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos, tumayo siya sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito'y isilang.
Pahayag 12:3-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)