Pahayag 13:11-12
Pahayag 13:11-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
At nakita ko ang isa pang halimaw na lumitaw sa lupa. May dalawang sungay ito na tulad ng mga sungay ng isang batang tupa, ngunit ang kanyang tinig ay parang tinig ng dragon. Ginamit niya ang lahat ng kapangyarihan ng unang halimaw upang ipatupad ang kagustuhan nito. Ang lahat ng tao sa lupa ay pinilit niyang sumamba sa unang halimaw na nasugatan nang malubha ngunit gumaling na.
Pahayag 13:11-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkatapos, nakita ko ang isa pang halimaw na lumalabas mula sa lupa. Ito ay may dalawang sungay na katulad ng sa tupa, ngunit parang dragon kung magsalita. Naglingkod siya sa unang halimaw at ginamit niya ang lahat ng kapangyarihan nito. Pinilit niya ang lahat ng tao sa mundo na sumamba sa unang halimaw na may malubhang sugat na gumaling.
Pahayag 13:11-12 Ang Biblia (TLAB)
At nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad ng sa isang kordero, at siya'y nagsasalitang gaya ng dragon. At kaniyang isinasagawa ang buong kapamahalaan ng unang hayop sa kaniyang paningin. At pinasasamba niya ang lupa at ang nangananahan dito sa unang hayop, na gumaling ang sugat na ikamamatay.
Pahayag 13:11-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
At nakita ko ang isa pang halimaw na lumitaw sa lupa. May dalawang sungay ito na tulad ng mga sungay ng isang batang tupa, ngunit ang kanyang tinig ay parang tinig ng dragon. Ginamit niya ang lahat ng kapangyarihan ng unang halimaw upang ipatupad ang kagustuhan nito. Ang lahat ng tao sa lupa ay pinilit niyang sumamba sa unang halimaw na nasugatan nang malubha ngunit gumaling na.
Pahayag 13:11-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)