Pahayag 21:3
Pahayag 21:3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, “Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan siyang kasama nila, at sila'y magiging bayan niya. Makakapiling nilang palagi ang Diyos at siya ang magiging Diyos nila.
Pahayag 21:3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Narinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa trono, “Ngayon, ang tahanan ng Dios ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan na siyang kasama nila. Silaʼy magiging mga mamamayan niya. At siyaʼy makakapiling na nila [at magiging Dios nila.]
Pahayag 21:3 Ang Biblia (TLAB)
At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila
Pahayag 21:3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, “Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan siyang kasama nila, at sila'y magiging bayan niya. Makakapiling nilang palagi ang Diyos at siya ang magiging Diyos nila.
Pahayag 21:3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)