Mga Taga-Roma 16:25-27
Mga Taga-Roma 16:25-27 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Purihin ang Diyos na makakapagpatibay sa inyong pananampalataya sa pamamagitan ng Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo na ipinapangaral ko. Ang Magandang Balitang iyan ay isang hiwagang nalihim sa loob ng mahabang panahon, subalit sa utos ng walang-hanggang Diyos ay nahayag ngayon sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng mga isinulat ng mga propeta, upang ang lahat ay sumampalataya at sumunod sa kanya. At ngayon sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, purihin natin ang iisang Diyos, ang ganap na nakakaunawa sa lahat ng bagay! Amen.
Mga Taga-Roma 16:25-27 Ang Salita ng Dios (ASND)
Purihin natin ang Dios na siyang makakapagpatibay sa pananampalataya ninyo ayon sa Magandang Balita na ipinangaral ko sa inyo. Ang Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo ay inilihim nang matagal na panahon, pero ipinahayag na ngayon sa pamamagitan ng mga isinulat ng mga propeta. Itoʼy ayon sa utos ng walang kamatayang Dios, para ang lahat ng tao ay sumampalataya at sumunod sa kanya. Purihin natin ang Dios na tanging nakakaalam ng lahat. Purihin natin siya magpakailanman sa pamamagitan ni Jesu-Cristo! Amen.
Mga Taga-Roma 16:25-27 Ang Biblia (TLAB)
At ngayon sa kaniya na makapangyarihan na sa inyo'y makapagpapatibay ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo, ayon sa pahayag ng hiwaga na natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan. Datapuwa't nahayag na ngayon, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ng Dios na walang hanggan, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya: Sa iisang Dios na marunong, sa pamamagitan ni Jesucristo, na sumasa kaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
Mga Taga-Roma 16:25-27 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Purihin ang Diyos na makakapagpatibay sa inyong pananampalataya sa pamamagitan ng Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo na ipinapangaral ko. Ang Magandang Balitang iyan ay isang hiwagang nalihim sa loob ng mahabang panahon, subalit sa utos ng walang-hanggang Diyos ay nahayag ngayon sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng mga isinulat ng mga propeta, upang ang lahat ay sumampalataya at sumunod sa kanya. At ngayon sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, purihin natin ang iisang Diyos, ang ganap na nakakaunawa sa lahat ng bagay! Amen.
Mga Taga-Roma 16:25-27 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)