Mga Taga-Roma 8:14-15 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Taga-Roma 8:14-15 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. Sapagkat hindi ibinigay sa inyo ng Diyos ang Espiritu upang kayo'y gawing mga aliping namumuhay sa takot. Sa halip, ibinigay sa inyo ang Espiritu upang kayo'y gawing mga anak ng Diyos, kaya nakatatawag tayo sa kanya ng “Ama, Ama ko!”
Mga Taga-Roma 8:14-15 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Ang mga taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. At ang Espiritu na tinanggap ninyo mula sa Diyos ay hindi ibinigay upang magkaroon muli kayo ng takot, sa halip, upang kayoʼy maging mga anak ng Diyos. Ngayon, sa pamamagitan niya, matatawag na ninyong, “ Abba, Ama” ang Diyos.
Mga Taga-Roma 8:14-15 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. Sapagkat hindi ibinigay sa inyo ng Diyos ang Espiritu upang kayo'y gawing mga aliping namumuhay sa takot. Sa halip, ibinigay sa inyo ang Espiritu upang kayo'y gawing mga anak ng Diyos, kaya nakatatawag tayo sa kanya ng “Ama, Ama ko!”
Mga Taga-Roma 8:14-15 TLAB (Ang Biblia)
Sapagka't ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios. Sapagka't hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa't tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y sumisigaw tayo, Abba, Ama.
Mga Taga-Roma 8:14-15 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))