Ang Awit ni Solomon 1:7-13
Ang Awit ni Solomon 1:7-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Itong aking pakiusap, O giliw kong minamahal, sa akin ay sabihin mo, pastulan ng iyong kawan; sa init ng katanghalian, pahingahan nila'y saan? Sa akin ay ituro mo nang ako ay di maligaw. Kung nais mong malaman, O babaing napakaganda, ang dapat lang na gawin mo ay sundan ang mga tupa. Ang kawan ng mga kambing ay doon mo alagaan sa tabi ng mga tolda ng pastol ng aking kawan. Saan ko ba itutulad ang gayuma mo, aking hirang? Sa kabayo ng Faraon, anong ganda kung pagmasdan! Mga pisnging malalambot, may balani, may pang-akit, na lalo pang pinaganda ng pahiyas na naglawit. Ang nililok na leeg mo, kung masdan ko'y anong rikit, lalo na nga kung may kuwintas na doon ay nakasabit. Ika'y aming igagawa ng kuwintas na gintong lantay, palamuting ikakabit ay pilak na dinalisay. Habang siya'y nakahimlay, tila hari ang katulad, ako nama'y magsasabog ng mabangong halimuyak. Ang samyo ng aking mahal ay katulad nitong mira, habang siya sa dibdib ko'y nakahilig na masaya.
Ang Awit ni Solomon 1:7-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mahal, sabihin mo sa akin kung saan ka nagpapastol ng iyong mga tupa. Saan mo sila pinagpapahinga tuwing tanghali? Sabihin mo sa akin para hindi na ako maghanap pa sa iyo doon sa iyong mga kaibigan na nagpapastol din ng tupa. Dahil baka akoʼy mapagkamalan na isang babaeng bayaran. Kung hindi mo alam, O babaeng ubod ng ganda, sundan ang bakas ng aking mga tupa. Papunta ito sa tolda ng mga pastol, at mga kambing moʼy doon mo na rin ipastol. O irog ko, tulad moʼy isang babaeng kabayo na nagustuhan ng lalaking kabayo na humihila ng karwahe ng hari ng Egipto. Napakaganda ng iyong mga pisngi, na lalong pinaganda ng mga hiyas. O anong ganda rin ng leeg mong sinuotan ng kwintas. Ikaʼy igagawa namin ng alahas na yari sa mga ginto at pilak. Habang ang hariʼy nasa kanyang mesa, pabango koʼy humahalimuyak. Parang samyo ng mira ang bango ng aking iniibig, habang sa aking dibdib siya ay nakahilig.
Ang Awit ni Solomon 1:7-13 Ang Biblia (TLAB)
Saysayin mo sa akin, ikaw na sinisinta ng aking kaluluwa, kung saan mo pinapastulan ang iyong kawan, kung saan mo pinagpapahinga sa katanghaliang tapat: sapagka't bakit ako'y magiging gaya ng nalalambungan sa siping ng mga kawan ng iyong mga kasama? Kung hindi mo nalalaman, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae, yumaon kang sumunod sa mga bakas ng kawan, at pastulan mo ang iyong mga anak ng kambing sa siping ng mga tolda ng mga pastor. Aking itinulad ka, Oh aking sinta, sa isang kabayo sa mga karo ni Faraon. Pinagaganda ang iyong mga pisngi ng mga tirintas ng buhok, ang iyong leeg ng mga kuwintas na hiyas. Igagawa ka namin ng mga kuwintas na ginto na may mga kabit na pilak. Samantalang ang hari ay nauupo sa kaniyang dulang, ang aking nardo ay humahalimuyak ng kaniyang bango. Ang aking sinta ay gaya ng bigkis ng mira sa akin, na humihilig sa pagitan ng aking mga suso.
Ang Awit ni Solomon 1:7-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Itong aking pakiusap, O giliw kong minamahal, sa akin ay sabihin mo, pastulan ng iyong kawan; sa init ng katanghalian, pahingahan nila'y saan? Sa akin ay ituro mo nang ako ay di maligaw. Kung nais mong malaman, O babaing napakaganda, ang dapat lang na gawin mo ay sundan ang mga tupa. Ang kawan ng mga kambing ay doon mo alagaan sa tabi ng mga tolda ng pastol ng aking kawan. Saan ko ba itutulad ang gayuma mo, aking hirang? Sa kabayo ng Faraon, anong ganda kung pagmasdan! Mga pisnging malalambot, may balani, may pang-akit, na lalo pang pinaganda ng pahiyas na naglawit. Ang nililok na leeg mo, kung masdan ko'y anong rikit, lalo na nga kung may kuwintas na doon ay nakasabit. Ika'y aming igagawa ng kuwintas na gintong lantay, palamuting ikakabit ay pilak na dinalisay. Habang siya'y nakahimlay, tila hari ang katulad, ako nama'y magsasabog ng mabangong halimuyak. Ang samyo ng aking mahal ay katulad nitong mira, habang siya sa dibdib ko'y nakahilig na masaya.
Ang Awit ni Solomon 1:7-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Saysayin mo sa akin, ikaw na sinisinta ng aking kaluluwa, Kung saan mo pinapastulan ang iyong kawan, Kung saan mo pinagpapahinga sa katanghaliang tapat: Sapagka't bakit ako'y magiging gaya ng nalalambungan Sa siping ng mga kawan ng iyong mga kasama? Kung hindi mo nalalaman, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae, Yumaon kang sumunod sa mga bakas ng kawan, At pastulan mo ang iyong mga anak ng kambing sa siping ng mga tolda ng mga pastor. Aking itinulad ka, Oh aking sinta, Sa isang kabayo sa mga karo ni Faraon. Pinagaganda ang iyong mga pisngi ng mga tirintas ng buhok, Ang iyong leeg ng mga kuwintas na hiyas. Igagawa ka namin ng mga kuwintas na ginto Na may mga kabit na pilak. Samantalang ang hari ay nauupo sa kaniyang dulang, Ang aking nardo ay humahalimuyak ng kaniyang bango. Ang aking sinta ay gaya ng bigkis ng mira sa akin, Na humihilig sa pagitan ng aking mga suso.