Ang Awit ni Solomon 8:6
Ang Awit ni Solomon 8:6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Iukit mo ang pangalan ko sa puso mo para patunayan na ako lamang ang mahal mo. At ako lamang ang yayakapin ng mga bisig mo. Makapangyarihan ang pag-ibig gaya ng kamatayan; maging ang pagnanasa ay hindi mapipigilan. Ang pag-ibig ay parang lumiliyab at lumalagablab na apoy.
Ang Awit ni Solomon 8:6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya ako'y mahalin mo, sa bisig mo ay ikulong. O kay lakas ng pag-ibig, panibugho man ay gayon; sinlakas ng kamatayan, tumutupok, parang apoy.
Ang Awit ni Solomon 8:6 Ang Biblia (TLAB)
Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso, pinakatatak sa iyong bisig: sapagka't ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, panibugho ay mabagsik na parang Sheol: ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy, isang pinaka liyab ng Panginoon.
Ang Awit ni Solomon 8:6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya ako'y mahalin mo, sa bisig mo ay ikulong. O kay lakas ng pag-ibig, panibugho man ay gayon; sinlakas ng kamatayan, tumutupok, parang apoy.
Ang Awit ni Solomon 8:6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso, Pinakatatak sa iyong bisig: Sapagka't ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, Panibugho ay mabagsik na parang Sheol: Ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy, Isang pinaka liyab ng Panginoon.