Ang Awit ni Solomon 8:7
Ang Awit ni Solomon 8:7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kahit laksa-laksang tubig, hindi ito mapipigilan. Sinumang magtangkang bilhin ito kahit ng lahat niyang yaman ay baka malagay lamang sa kahihiyan.
Ang Awit ni Solomon 8:7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kahit baha ay di kayang pigilin itong paggiliw, buhusan man nitong tubig, di makuhang palamigin. Subukin mong ang pag-ibig ay sa yaman mo daanin, baka nga ang mangyari ay ikaw pa ang siyang kutyain.
Ang Awit ni Solomon 8:7 Ang Biblia (TLAB)
Ang maraming tubig ay hindi makapapatay sa pagsinta, ni mapauurong man ng mga baha; kung ibigay ng lalake ang lahat na laman ng kaniyang bahay dahil sa pagsinta, siya'y lubos na kukutyain.