Tito 1:8-16
Tito 1:8-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
bukás ang tahanan sa mga panauhin, maibigin sa kabutihan, mahinahon, makatarungan, may kabanalan, at marunong magpigil sa sarili. Kailangang matatag siyang nananalig sa mga tunay na aral na natutuhan niya, upang ito'y maituro naman niya sa iba at maipakita ang kamalian ng mga sumasalungat dito. Sapagkat maraming tao, lalung-lalo na ang mga galing sa Judaismo, ang sumasalungat laban sa mga aral na ito. Dinadaya nila ang iba sa pamamagitan ng mga katuruang walang kabuluhan. Kailangang pigilin mo sila sa kanilang ginagawang ito sapagkat ginugulo nila ang mga pamilya. Kumita lamang sila ng salapi ay nagtuturo sila ng mga bagay na di dapat ituro. Isa na rin sa mga propetang taga-Creta ang nagsabi, “Ang mga taga-Creta ay talagang sinungaling, asal-hayop, batugan, at matakaw.” Tama ang kanyang sinabi, kaya't mahigpit mo silang pagsabihan upang sila'y mamuhay nang maayos ayon sa kanilang pananampalataya, at huwag nang maniwala pa sa mga alamat ng mga Judio, o sa katuruan ng mga taong tumalikod sa katotohanan. Malinis ang lahat ng bagay sa may malinis na isipan, ngunit sa masasama at di sumasampalataya, walang bagay na malinis sapagkat marumi ang kanilang budhi at isipan. Ang sabi nila'y kilala nila ang Diyos, ngunit hindi naman ito nakikita sa kanilang mga gawa. Sila'y kasuklam-suklam, suwail at hindi makagawa ng anumang mabuti.
Tito 1:8-16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sa halip ay dapat bukas ang kanyang tahanan sa kapwa, maibigin sa kabutihan, marunong magpasya kung ano ang nararapat, matuwid, banal at marunong magpigil sa sarili. Dapat ay pinanghahawakan niyang mabuti ang mapagkakatiwalaang mensahe na itinuro sa kanya, upang maituro rin niya sa iba at maituwid ang mga sumasalungat dito. Sapagkat marami ang hindi naniniwala sa aral na ito, lalo na ang grupong ipinipilit na magpatuli ang mga mananampalataya. Walang kabuluhan ang kanilang mga sinasabi at mga mandaraya sila. Kinakailangang pigilan sila, dahil nanggugulo sila sa mga sambahayan sa pangangaral ng mga bagay na hindi naman dapat ituro, para lang kumita ng salapi. Isa mismo sa kanilang mga propeta ang nagsabi: “Ang mga taga-Crete ay sinungaling, asal-hayop, at mga batugang matatakaw.” Tama ang kanyang sinabi. Kaya mahigpit mo silang pagsabihan upang maging wasto ang kanilang pananampalataya at huwag nang pansinin ang mga kathang-isip ng mga Judio o mga kautusang gawa-gawa lamang ng mga taong tumalikod sa katotohanan. Sa mga malilinis ang isip, lahat ng bagay ay malinis. Ngunit sa mga marurumi ang isip at hindi sumasampalataya ay walang anumang malinis. Ang totoo, narumihan ang kanilang isipan at budhi. Sinasabi nilang kilala nila ang Dios, ngunit hindi naman nakikita sa kanilang mga gawa. Silaʼy kasuklam-suklam, masuwayin at walang mabuting ginagawa.
Tito 1:8-16 Ang Biblia (TLAB)
Kundi mapagpatuloy, maibigin sa mabuti, mahinahon ang pagiisip, matuwid, banal, mapagpigil; Na nananangan sa tapat na salita na ayon sa turo, upang umaral ng magaling na aral, at papaniwalain ang nagsisisalangsang. Sapagka't may maraming mga suwail, na mapagsalita ng walang kabuluhan at mga magdaraya, lalong lalo na yaong mga sa pagtutuli, Na ang kanilang mga bibig ay nararapat matikom; mga taong nagsisipanggulo sa buong mga sangbahayan, na nangagtuturo ng mga bagay na di nararapat, dahil sa mahalay na kapakinabangan. Sinabi ng isa sa kanila rin, ng isang propetang sarili nila, Ang mga taga Creta kailan pa man ay mga sinungaling, masasamang hayop, matatakaw na mga tamad. Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito'y sawayin mong may kabagsikan sila, upang mangapakagaling sa pananampalataya, Na huwag mangakinig sa mga katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan. Sa malinis ang lahat ng mga bagay ay malinis: datapuwa't sa nangahawa at di nagsisisampalataya ay walang anomang malinis; kundi pati ng kanilang pagiisip at kanilang budhi ay pawang nangahawa. Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni't ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa't gawang mabuti.
Tito 1:8-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
bukás ang tahanan sa mga panauhin, maibigin sa kabutihan, mahinahon, makatarungan, may kabanalan, at marunong magpigil sa sarili. Kailangang matatag siyang nananalig sa mga tunay na aral na natutuhan niya, upang ito'y maituro naman niya sa iba at maipakita ang kamalian ng mga sumasalungat dito. Sapagkat maraming tao, lalung-lalo na ang mga galing sa Judaismo, ang sumasalungat laban sa mga aral na ito. Dinadaya nila ang iba sa pamamagitan ng mga katuruang walang kabuluhan. Kailangang pigilin mo sila sa kanilang ginagawang ito sapagkat ginugulo nila ang mga pamilya. Kumita lamang sila ng salapi ay nagtuturo sila ng mga bagay na di dapat ituro. Isa na rin sa mga propetang taga-Creta ang nagsabi, “Ang mga taga-Creta ay talagang sinungaling, asal-hayop, batugan, at matakaw.” Tama ang kanyang sinabi, kaya't mahigpit mo silang pagsabihan upang sila'y mamuhay nang maayos ayon sa kanilang pananampalataya, at huwag nang maniwala pa sa mga alamat ng mga Judio, o sa katuruan ng mga taong tumalikod sa katotohanan. Malinis ang lahat ng bagay sa may malinis na isipan, ngunit sa masasama at di sumasampalataya, walang bagay na malinis sapagkat marumi ang kanilang budhi at isipan. Ang sabi nila'y kilala nila ang Diyos, ngunit hindi naman ito nakikita sa kanilang mga gawa. Sila'y kasuklam-suklam, suwail at hindi makagawa ng anumang mabuti.
Tito 1:8-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)