ISAIAS 7
7
Unang Babala kay Ahaz
1Nang#2 Ha. 16:5; 2 Cro. 28:5, 6 mga araw ni Ahaz na anak ni Jotam, anak ni Uzias, na hari ng Juda, si Rezin na hari ng Siria, at si Peka na anak ni Remalias na hari ng Israel, ay umahon sa Jerusalem upang makipagdigma laban doon, ngunit hindi nila ito magapi.
2Nang sabihin sa sambahayan ni David, “Ang Siria ay nakipagkasundo sa Efraim,” ang puso niya at ang puso ng kanyang bayan ay nanginig na gaya ng mga punungkahoy sa gubat na niyanig ng hangin.
3Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon kay Isaias, “Lumabas ka at iyong salubungin si Ahaz, ikaw, at si Sear-jasub na iyong anak, sa dulo ng padaluyan ng tipunan ng tubig sa itaas, sa lansangan ng parang ng Bilaran ng Tela,
4at sabihin mo sa kanya, ‘Ikaw ay makinig, tumahimik ka, huwag kang matakot, o manghina man ang iyong puso ng dahil sa dalawang buntot na apoy na ito na umuusok, ng dahil sa mabangis na galit ng Rezin at Siria, at ng anak ni Remalias.
5Dahil sa ang Siria, ang Efraim, at ang mga anak ni Remalias, ay nagbalak ng masama laban sa iyo, na nagsasabi,
6“Magsiahon tayo laban sa Juda, at ating takutin, at ating sakupin para sa ating sarili, at ating ilagay na hari sa gitna niyon ang anak ni Tabeel.”
7Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
“Hindi ito matatatag o mangyayari man.
8Sapagkat ang ulo ng Siria ay ang Damasco,
at ang ulo ng Damasco ay ang Rezin.
Sa loob ng animnapu't limang taon ay magkakawatak-watak ang Efraim anupa't hindi na ito magiging isang bayan.
9At ang ulo ng Efraim ay ang Samaria,
at ang ulo ng Samaria ay ang anak ni Remalias.
Kung kayo'y hindi maniniwala,
tunay na hindi kayo matatatag.’”
Pangalawang Babala kay Ahaz—Palatandaan ng Emmanuel
10At ang Panginoon ay muling nagsalita kay Ahaz, na sinasabi,
11“Humingi ka ng tanda mula sa Panginoon mong Diyos; gawin mo itong kasinlalim ng Sheol o kasintaas ng langit.”
12Ngunit sinabi ni Ahaz, “Hindi ako hihingi, ni susubukin ko man ang Panginoon.”
13At kanyang sinabi, “Dinggin ninyo ngayon, O sambahayan ni David! Maliit na bagay ba sa inyo ang pagurin ang mga tao, na inyong papagurin rin ang aking Diyos?
14Kaya't#Mt. 1:23 ang Panginoon mismo ang magbibigay sa inyo ng tanda. Narito, isang birhen ang maglilihi, at manganganak ng isang lalaki, at kanyang tatawagin ang kanyang pangalan na Emmanuel.#7:14 o Kasama natin ang Diyos.
15Siya'y kakain ng keso at pulot, kapag siya'y natutong tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti.
16Sapagkat bago malaman ng bata na tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti, iiwan ang lupain ng dalawang haring iyong kinatatakutan.
17Ang Panginoon ay magpapasapit sa iyo, sa iyong bayan, at sa sambahayan ng iyong ninuno ng mga araw na hindi pa nangyari mula nang araw na humiwalay ang Efraim sa Juda, ang hari ng Asiria.”
18Sa araw na iyon, susutsutan ng Panginoon ang langaw na nasa kahuli-hulihang bahagi ng mga ilog ng Ehipto, at ang pukyutan na nasa lupain ng Asiria.
19At sila'y dadating, at silang lahat ay magpapahinga sa matatarik na bangin, sa mga bitak ng malalaking bato, sa lahat ng mga tinikan, at sa lahat ng mga sukal.
20Sa araw na iyon ay aahitan ng Panginoon ng pang-ahit na inupahan sa kabila ng Ilog,—kasama ang hari ng Asiria—ang ulo at ang balahibo ng mga paa, gayundin ang balbas.
21Sa araw na iyon, ang isang tao ay mag-aalaga ng guyang baka at ng dalawang tupa;
22at dahil sa saganang gatas na kanilang ibibigay ay kakain siya ng keso; sapagkat ang bawat isa na naiwan sa gitna ng lupain ay kakain ng keso at pulot.
23Sa araw na iyon, ang bawat dakong kinaroroonan ng libong puno ng ubas na nagkakahalaga ng isang libong siklong pilak, ay magiging dawagan at tinikan.
24Paroroon doon ang mga tao na may mga pana at may busog; sapagkat ang buong lupain ay magiging mga dawag at mga tinikan.
25At ang tungkol sa lahat ng burol na inaasarol ng asarol ay hindi mo paroroonan dahil sa takot sa mga dawag at sa mga tinikan; ngunit ang mga iyon ay magiging dako na doon ay pinakakawalan ang mga baka at ang mga tupa ay naglalakad.
Currently Selected:
ISAIAS 7: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001