YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 138

138
Pagpapasalamat sa pagkatig ng Panginoon. Awit ni David.
1Ako'y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso:
# Awit 96:4, 5. Sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
2Ako'y sasamba sa dako ng iyong banal na templo,
At #1 Hari 8:29; Awit 5:9. magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan:
Sapagka't iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan.
3Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako,
Iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa.
4Lahat ng mga hari sa lupa #Awit 102:15. ay mangagpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon,
Sapagka't kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig.
5Oo, sila'y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon;
Sapagka't dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon.
6 # Awit 113:5, 6; Is. 57:15. Sapagka't bagaman ang Panginoon ay mataas, #Kaw. 3:34; Luc. 1:48, 51; Sant. 4:6; 1 Ped. 5:5. gumagalang din sa mababa:
Nguni't ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo.
7 # Awit 23:4. Bagaman ako'y lumakad sa gitna ng kabagabagan, iyong bubuhayin ako;
Iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway,
At ililigtas ako ng iyong kanan.
8 # Awit 57:2; Fil. 1:6. Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin:
Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay magpakailan man;
# Job 14:15; Is. 64:8. Huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay.

Currently Selected:

MGA AWIT 138: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Videos for MGA AWIT 138