YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 139

139
Ang Panginoon ay sumasa lahat at nakaaalam ng lahat. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
1Oh Panginoon, #Awit 44:21; Jer. 12:3. iyong siniyasat ako, at nakilala ako.
2 # 2 Hari 19:27. Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig,
# Mat. 9:4; Juan 2:24, 25. Iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo.
3Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan,
At iyong kilala ang lahat kong mga lakad.
4Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila,
Nguni't, narito, Oh Panginoon, #Heb. 4:13. natatalastas mo nang buo.
5 # Job 9:33; 19:8. Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan,
At inilapag mo ang iyong kamay sa akin.
6 Ang ganyang kaalaman #Job 42:3; Awit 40:5; Rom. 1:36. ay totoong kagilagilalas sa akin;
Ito'y mataas, hindi ko maabot.
7 # Jer. 23:24; Jon. 1:3. Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu?
O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan?
8 # Amos 9:2-4. Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka:
# Job 26:6. Kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon.
9Kung aking kunin ang mga #Mal. 4:2. pakpak ng umaga,
At tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat;
10Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay,
At ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin.
11Kung aking sabihin, #Job 34:22. Tunay na tatakpan ako ng kadiliman,
At ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi;
12 # Job 26:6; Heb. 4:13. Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo,
Kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw:
Ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo
13 # Kaw. 8:22. Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob:
# Job 10:11. Iyo akong tinakpan sa bahaybata ng aking ina.
14Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas:
Kagilagilalas ang iyong mga gawa;
At nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
15Ang katawan ko'y #Job 10:8, 9; Ec. 11:5. hindi nakubli sa iyo,
Nang ako'y gawin sa lihim,
At yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
16Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal,
At sa iyong aklat ay pawang nangasulat,
Kahit na ang mga araw na itinakda sa akin,
Nang wala pang anoman sa kanila,
17 # Awit 40:5. Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios!
Pagka dakila ng kabuoan nila!
18Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin:
Pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako.
19Walang pagsalang iyong #Is. 11:4. papatayin ang masama, Oh Dios:
Hiwalayan nga ninyo ako, Oh mga mabagsik na tao.
20Sapagka't sila'y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan,
At #Jud. 15. ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan.
21 # 2 Cron. 19:2; Awit 119:158. Hindi ko ba ipinagtatanim sila, Oh Panginoon, na nagtatanim sa iyo?
At hindi ba kinapapanglawan ko ang mga yaon na nagsisibangon laban sa iyo?
22Aking ipinagtatanim sila ng lubos na kapootan:
Sila'y naging mga kaaway ko.
23 # Awit 26:2. Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:
24At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin,
At #Awit 5:8; 143:10; Jer. 6:16. patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.

Currently Selected:

MGA AWIT 139: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Videos for MGA AWIT 139