YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 146

146
Papuri sa Panginoon, na masaganang tagatulong.
1Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin mo ang Panginoon, #Awit 103:1. Oh kaluluwa ko.
2Samantalang ako'y nabubuhay ay #Awit 104:33. pupurihin ko ang Panginoon:
Ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay.
3 # Awit 118:8, 9; Is. 2:21. Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo,
Ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.
4 # Awit 104:29; Ec. 12:9. Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa;
Sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.
5 # Awit 144:15. Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob,
Na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:
6 # Gawa 14:15. Na gumawa ng langit at lupa,
Ng dagat, at ng lahat na nandoon;
Na nagiingat ng katotohanan magpakailan man:
7 # Awit 103:6. Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati;
# Awit 107:9. Na nagbibigay ng pagkain sa gutom:
# Awit 68:6; Is. 61:1. Pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo;
8 # Mat. 9:30; Juan 9:7, 32. Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag;
# Awit 145:14; Luc. 13:13. Ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob;
Iniibig ng Panginoon ang matuwid;
9 # Ex. 22:21, 22; Deut. 10:18. Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa;
Kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao;
Nguni't #Awit 147:6. ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.
10 # Awit 10:16. Maghahari ang Panginoon magpakailan man.
Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Currently Selected:

MGA AWIT 146: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in