MGA AWIT 147
147
Pagpupuri dahil sa muling pagkakatayo ng Jerusalem at kasaganaan.
1Purihin ninyo ang Panginoon; Sapagka't #Awit 92:1. mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios;
#
Awit 135:3. Sapagka't maligaya, at ang pagpuri #Awit 33:1. ay nakalulugod.
2 #
Awit 102:16. Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem;
Kaniyang pinipisan ang mga #Deut. 30:3; Ezek. 39:28. natapon na Israel.
3 #
Awit 51:17. Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso,
At tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
4 #
Gen. 15:5; Is. 40:26. Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin;
Siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
5Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan;
Ang kaniyang unawa ay walang hanggan,
6 #
Awit 146:8, 9. Inaalalayan ng Panginoon ang maamo:
Kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.
7Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat;
Magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
8 #
Job 38:26, 28; Awit 104:14. Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap.
Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa,
na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
9 #
Job 39:3; Awit 104:27; Mat. 6:26. Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain.
At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.
10 #
Awit 33:17; Os. 1:7. Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo:
Siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.
11Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.
12Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem;
Purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.
13Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan;
Kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.
14 #
Is. 60:17, 18. Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan;
#
Awit 132:15. Kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
15Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa;
Ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
16 #
Job 37:6. Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa;
Siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.
17Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo:
Sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?
18 #
Job 37:10. Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw:
Kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.
19 #
Deut. 33:2. Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob,
#
Mat. 3:4. Ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
20 #
Deut. 4:32, 33, 34. Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa:
At tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Currently Selected:
MGA AWIT 147: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982