MGA AWIT 2
2
Ang paghahari ng pinahiran ng Panginoon.
1Bakit ang mga bansa ay #Gawa 4:25, 26. nangagugulo,
At ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay?
2Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda,
At ang mga pinuno ay nagsasanggunian,
Laban sa Panginoon at laban sa #Awit 45:7; Juan 1:41. kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
3 #
Jer. 5:5. Lagutin natin ang kanilang tali,
At ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.
4Siyang nauupo sa kalangitan ay #Awit 37:13. tatawa:
Ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
5Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot,
At babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:
6Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari
Sa aking banal na bundok ng Sion.
7Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya:
Sinabi ng Panginoon sa akin, #Mat. 3:17; Gawa 13:33; Heb. 1:5. Ikaw ay aking anak;
Sa araw na ito ay ipinanganak kita.
8Humingi ka sa akin, at ibibigay ko #Awit 72:8. sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana,
At ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.
9 #
Apoc. 2:27. Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal;
Iyong dudurugin sila na parang #Is. 30:14; Jer. 19:11. isang sisidlan ng magpapalyok.
10Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari:
Mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
11 #
Heb. 12:28. Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot,
At mangagalak na #Fil. 2:12. may panginginig.
12Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan,
Sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab.
#
Awit 7:1. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.
Currently Selected:
MGA AWIT 2: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982