YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 3

3
Panalangin sa umaga ng pagtitiwala sa Panginoon. #2 Sam. 15:14-17, 29. Awit ni David nang siya'y tumakas kay Absalom na kaniyang anak.
1Panginoon, #2 Sam. 15:12. ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami!
Marami sila na nagsisibangon laban sa akin.
2Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa:
# 2 Sam. 16:8; Awit 71:11. Walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah)
3Nguni't ikaw, Oh Panginoon #Gen. 15:1; Awit 28:7. ay isang kalasag sa palibot ko:
Aking kaluwalhatian; at #Awit 27:6. siyang tagapagtaas ng aking ulo.
4Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon,
At sinasagot #Awit 34:4. niya ako mula sa #Awit 2:6. kaniyang banal na bundok. (Selah)
5Ako'y #Awit 4:8. nahiga, at natulog;
Ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon.
6 # Awit 37:3. Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan,
Na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot.
7Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios:
Sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway;
Iyong binungal ang mga ngipin ng masasama.
8Pagliligtas ay ukol #Awit 37:39. sa Panginoon:
Sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)

Currently Selected:

MGA AWIT 3: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Videos for MGA AWIT 3