YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 7

7
Tinawagan ang Panginoon upang ipagtanggol ang mangaawit. Sigaion ni David na inawit niya sa Panginoon, ukol sa mga salita ni Cus na Benjamita.
1Oh Panginoon kong Dios, #Awit 2:12. sa iyo nanganganlong ako.
# Awit 31:15. Iligtas mo ako sa lahat na nagsisihabol sa akin, at palayain mo ako:
2Baka lurayin nila na gaya ng leon ang aking kaluluwa,
# Awit 50:22. Na lurayin ito, habang walang magligtas.
3Oh Panginoon kong Dios, #2 Sam. 16:7, 8. kung ginawa ko ito;
Kung may kasamaan #1 Sam. 24:11. sa aking mga kamay;
4Kung ako'y gumanti ng kasamaan sa kaniya na may kapayapaan sa akin;
(Oo, #1 Sam. 24:7. aking pinawalan siya, na walang anomang kadahilanan ay naging aking kaaway:)
5Habulin ng kaaway ang aking kaluluwa, at abutan;
Oo, yapakan niya ang aking kaluluwa sa lupa,
At ilagay ang aking kaluwalhatian sa alabok. (Selah)
6Ikaw ay bumangon, Oh Panginoon, sa iyong galit,
# Awit 94:2. Magpakataas ka laban sa poot ng aking mga kaaway;
At #Awit 35:23. gumising ka dahil sa akin; ikaw ay nagutos ng kahatulan.
7At ligirin ka ng kapisanan ng mga bayan sa palibot:
At sila'y pihitan mong nasa mataas ka.
8Ang panginoo'y nangangasiwa ng kahatulan sa mga bayan:
# Awit 18:20. Iyong hatulan ako, Oh Panginoon, ayon sa aking katuwiran, at sa aking pagtatapat na nasa akin.
9Oh wakasan ang kasamaan ng masama, ngunit itatag mo ang matuwid;
# 1 Sam. 16:7; 1 Cron. 28:9; Awit 139:1; Jer. 11:20; 17:10; 20:12. Sapagka't sinubok ng matuwid na Dios #Apoc. 2:23. ang mga pagiisip at ang mga puso.
10Ang aking kalasag ay sa Dios.
Na nagliligtas ng matuwid sa puso.
11Ang Dios ay matuwid na hukom,
Oo, Dios na may galit araw-araw.
12Kung ang tao ay hindi magbalik-loob, kaniyang #Deut. 32:41. ihahasa ang kaniyang tabak;
Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at inihanda.
13Inihanda rin naman niya ang mga kasangkapan ng kamatayan;
Kaniyang pinapagniningas ang kaniyang mga pana.
14 # Job 15:35; Is. 59:4; Sant. 1:15. Narito, siya'y nagdaramdam ng kasamaan;
Oo, siya'y naglihi ng kasamaan, at nanganak ng kabulaanan.
15Siya'y gumawa ng balon, at hinukay,
# Kaw. 26:27; Ec. 10:8. At nahulog sa hukay na kaniyang ginawa.
16 # 1 Hari 2:32; Est. 9:25. Ang kaniyang gawang masama ay magbabalik sa kaniyang sariling ulo,
At ang kaniyang pangdadahas ay babagsak sa kaniyang sariling bunbunan.
17Ako'y magpapasalamat sa Panginoon, ayon sa kaniyang katuwiran:
At aawit ng pagpupuri sa pangalan ng Panginoon na Kataastaasan.

Currently Selected:

MGA AWIT 7: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Videos for MGA AWIT 7