YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 8

8
Ang kaluwalhatian ng Panginoon at ang karangalan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni David.
1Oh Panginoon, aming Panginoon,
# Awit 148:13. Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
# Awit 113:4. Na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
2 # Mat. 11:25; 21:16. Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan,
Dahil sa iyong mga kaaway,
Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
3 # Awit 111:2. Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri,
Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
4 # Job 7:17; Awit 144:3; Heb. 2:6, 8. Ano ang tao upang iyong alalahanin siya?
At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
5Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios,
At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
6 # Gen. 1:26, 28. Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay;
# 1 Cor. 15:27. Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
7Lahat na tupa at baka,
Oo, at ang mga hayop sa parang;
8Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat,
Anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
9 # tal. 1. Oh Panginoon, aming Panginoon,
Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!

Currently Selected:

MGA AWIT 8: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Videos for MGA AWIT 8