Minsan, habang nasa isang bayan si Hesus, may isang lalaking may malubhang sakit sa balat na lumapit sa kanya. Lumuhod ito sa harap niya at nagmakaawa. Sinabi niya, “Panginoon, kung gugustuhin po ninyo, mapapagaling nʼyo ako upang maituring akong malinis.”
Hinawakan siya ni Hesus at sinabi, “Gusto ko. Gumaling ka!” At agad na nawala ang kanyang sakit sa balat.