Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa Jerusalem, sa pinakamataas na bahagi ng Templo, at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan:
‘Uutusan ng Diyos ang kanyang mga anghel
na ingatan ka.
Aalalayan ka nila
upang hindi tumama ang iyong mga paa sa bato.’ ”
Ngunit sumagot si Hesus, “Sinasabi rin sa Kasulatan, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon na iyong Diyos.’ ”