1
Lucas 9:23
Ang Salita ng Diyos
ASD
Pagkatapos, sinabi niya sa kanilang lahat, “Kung sinuman sa inyo ang gustong sumunod sa akin ay hindi niya dapat inuuna ang kanyang sarili. At dapat ay handa siyang humarap kahit sa kamatayan alang-alang sa pagsunod niya sa akin araw-araw.
مقایسه
Lucas 9:23 را جستجو کنید
2
Lucas 9:24
Ang sinumang nagsisikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang sinumang mag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay maililigtas ito.
Lucas 9:24 را جستجو کنید
3
Lucas 9:62
Sinabi ni Hesus sa kanya, “Ang nagsimulang mag-araro ngunit lingon naman nang lingon ay hindi kapaki-pakinabang sa kaharian ng Diyos.”
Lucas 9:62 را جستجو کنید
4
Lucas 9:25
Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo pero mapapahamak naman ang buhay niya? Wala!
Lucas 9:25 را جستجو کنید
5
Lucas 9:26
Kung ako at ang mga aral ko ay ikakahiya ninuman, ikakahiya rin siya ng Anak ng Tao kapag pumarito siya na taglay ang kanyang kapangyarihan at ang kapangyarihan ng Ama at ng mga banal na anghel.
Lucas 9:26 را جستجو کنید
6
Lucas 9:58
Ngunit sinagot siya ni Hesus, “May mga lungga ang mga asong-gubat, at may mga pugad ang mga ibon, ngunit ang Anak ng Tao ay walang sariling tahanan na mapagpapahingahan.”
Lucas 9:58 را جستجو کنید
7
Lucas 9:48
Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin. At ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa nagsugo sa akin. Sapagkat ang pinakamababa sa inyong lahat ang siyang pinakadakila.”
Lucas 9:48 را جستجو کنید