Pagkatapos, sinabi ng Diyos, “Likhain natin ang tao ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda sa dagat at sa mga ibon sa himpapawid, sa mga hayop na maaamo at maiilap, at sa lahat ng nilalang na gumagapang sa lupa.”
Kaya nilikha ng Diyos ang tao,
lalaki at babae
ayon sa wangis niya.