Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Roma 1:16

Bagong Buhay Kay Cristo | 5-Day Series from Light Brings Freedom
5 araw
Katulad ng isang bata, kailangang maipanganak tayo sa bagong buhay kay Cristo. At katulad din ng isang bata, kailangan nating matutong lumakad sa ating pananampalataya. Pag-aaralan natin ang pag-ibig ng Ama, ang bagong buhay kay Cristo, ang kasiguraduhan ng kaligtasan, at kung paano maging ilaw sa iba. Ang bawat araw ay mayroong mga reflection questions para maisapamuhay natin ang ating mga naunawaan. (Part #2 in the Light Brings Freedom series)

Ang Pagsubok Sa Pananampalataya
5 Araw
Sapat ba ang ating lakas kapag sinubok ang ating pananampalataya? Gaano tayo katatag? Papasahan ba natin ang pagsubok sa ating pananampalataya? Ang debosyonal na ito ay makakatulong sa atin na maunawaan ang kahulugan ng Pagsubok ng Pananampalataya. Mapasahan nawa nating lahat ang bawat pagsubok ng pananampalataya na nangyayari sa ating buhay.