1
1 Corinto 13:4-5
Ang Salita ng Dios
Ang taong may pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas, hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa
Paghambingin
I-explore 1 Corinto 13:4-5
2
1 Corinto 13:7
matiyaga, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at tinitiis ang lahat.
I-explore 1 Corinto 13:7
3
1 Corinto 13:6
hindi natutuwa sa kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan
I-explore 1 Corinto 13:6
4
1 Corinto 13:13
Tatlong bagay ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.
I-explore 1 Corinto 13:13
5
1 Corinto 13:8
May katapusan ang pagpapahayag ng mensahe ng Dios at ang pagsasalita sa ibang wika na hindi natutunan, ganoon din ang pagpapahayag ng kaalaman tungkol sa Dios, ngunit ang pag-ibig ay walang hangganan.
I-explore 1 Corinto 13:8
6
1 Corinto 13:1
Kung makapagsalita man ako sa ibaʼt ibang wika ng mga tao at ng mga anghel, ngunit wala naman akong pag-ibig, para lang akong batingaw na umaalingawngaw o pompyang na tumatagingting.
I-explore 1 Corinto 13:1
7
1 Corinto 13:2
Kung may kakayahan man akong maghayag ng mensahe ng Dios, at may pang-unawa sa lahat ng lihim na katotohanan at lahat ng kaalaman, at kung mailipat ko man ang mga bundok sa laki ng aking pananampalataya, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan.
I-explore 1 Corinto 13:2
8
1 Corinto 13:3
At kahit ipamigay ko man ang lahat ng aking ari-arian at ialay pati aking katawan upang sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, wala pa rin akong mapapala.
I-explore 1 Corinto 13:3
9
1 Corinto 13:11
Noong bata pa ako, ang aking pagsasalita, pag-iisip at pangangatwiran ay tulad ng sa bata. Ngunit ngayong akoʼy mayroon nang sapat na gulang, iniwan ko na ang mga ugaling bata.
I-explore 1 Corinto 13:11
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas