Mga minamahal, huwag kayong maniwala agad sa mga taong nagsasabing mula sa Espiritu ng Diyos ang ipinapahayag nila. Sa halip, subukin muna ninyo kung nagmula nga sa Espiritu ang ipinapahayag nila, sapagkat marami nang bulaang propetang naglipana sa mundo. Sa ganitong paraan ninyo malalaman kung nasa kanila ang Espiritu ng Diyos: Kapag kinikilala nilang si Hesu-Kristoʼy nagkatawang-tao, sila ay mula sa Diyos.