1
1 Juan 5:14
Ang Salita ng Diyos
ASD
Ito ang kapanatagan natin sa paglapit sa kanya: Pakikinggan niya tayo sa anumang hilingin natin ayon sa kanyang kalooban.
Paghambingin
I-explore 1 Juan 5:14
2
1 Juan 5:15
At kung alam nating pinakikinggan tayo ng Diyos, nakakatiyak tayong matatanggap natin ang anumang hilingin natin.
I-explore 1 Juan 5:15
3
1 Juan 5:3-4
Sapagkat ang tunay na umiibig sa Diyos ay sumusunod sa kanyang mga utos. At hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos, dahil napagtatagumpayan ng bawat anak ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng pananampalataya.
I-explore 1 Juan 5:3-4
4
1 Juan 5:12
Ang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay walang buhay na walang hanggan.
I-explore 1 Juan 5:12
5
1 Juan 5:13
Isinusulat ko ito sa inyo na mga sumasampalataya sa Anak ng Diyos upang malaman ninyong mayroon kayong buhay na walang hanggan.
I-explore 1 Juan 5:13
6
1 Juan 5:18
Alam nating ang sinumang naging anak ng Diyos ay hindi na nagpapatuloy sa kasalanan, sapagkat iniingatan siya ng Anak ng Diyos at hindi siya maaaring saktan ng diyablo.
I-explore 1 Juan 5:18
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas