Mas mabuti pang hindi na nila natagpuan ang landas patungo sa matuwid na pamumuhay, kaysa sa natagpuan ito at talikuran lang sa bandang huli ang mga banal na utos na ibinigay sa kanila. Bagay sa kanila ang kasabihan, “Ang asoʼy kumakain ng suka niya.” At isa pa, “Ang baboy kahit paliguan, babalik din sa kanyang lubluban.”