1
Mangangaral 4:9-10
Ang Salita ng Diyos
ASD
Mas mabuti ang may kasama kaysa mag-isa; mas marami silang magagawa. Kapag nadapa ang isa sa kanila maitatayo siya ng kanyang kasama. Kaya nakakaawa ang taong nag-iisa at nadapa, dahil walang tutulong sa kanya.
Paghambingin
I-explore Mangangaral 4:9-10
2
Mangangaral 4:12
Madali kang matalo kung ikaw ay nag-iisa, subalit mahirap kang talunin kung may kasama ka. Tulad din ng lubid na may tatlong pilipit na hibla, mahirap itong malagot.
I-explore Mangangaral 4:12
3
Mangangaral 4:11
Kapag malamig, maaari kayong matulog nang magkatabi at pareho kayong maiinitan. Pero kung nag-iisa ka, papaano ka maiinitan?
I-explore Mangangaral 4:11
4
Mangangaral 4:6
Mas mabuti pa ang may isang dakot ng pagkain at payapa ang buhay kaysa sa dalawang dakot ng pagkaing dala ng labis na paghihirap, at para ka lang humahabol sa hangin.
I-explore Mangangaral 4:6
5
Mangangaral 4:4
Nakita ko rin na nagsusumikap ang mga tao at ginagawa ang lahat ng makakaya dahil naiinggit sila sa kanilang kapwa. Wala itong kabuluhan; para silang humahabol sa hangin.
I-explore Mangangaral 4:4
6
Mangangaral 4:13
Mas mabuti pa ang isang batang mahirap pero marunong, kaysa sa isang matandang hari pero hangal at ayaw tumanggap ng payo.
I-explore Mangangaral 4:13