1
Juan 14:27
Ang Salita ng Diyos
ASD
“Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan ko sa inyo ang kapayapaan. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo.
Paghambingin
I-explore Juan 14:27
2
Juan 14:6
Sumagot si Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko.
I-explore Juan 14:6
3
Juan 14:1
Sinabi pa ni Hesus, “Huwag kayong mabagabag. Magtiwala kayo sa Diyos at magtiwala rin kayo sa akin.
I-explore Juan 14:1
4
Juan 14:26
Ngunit ang Patnubay na walang iba kundi ang Banal na Espiritu, ang ipapadala ng Ama bilang kapalit ko. Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala sa inyo ng lahat ng mga sinabi ko sa inyo.
I-explore Juan 14:26
5
Juan 14:21
“Ang sinumang tumatanggap at sumusunod sa mga utos ko ang siyang nagmamahal sa akin. At ang nagmamahal sa akin ay mamahalin din ng aking Ama. Mamahalin ko rin siya, at ipapakilala ko ang aking sarili sa kanya.”
I-explore Juan 14:21
6
Juan 14:16-17
At hihilingin ko sa Ama na bigyan niya kayo ng isa pang Patnubay na sasainyo magpakailanman. Siya ang Espiritu ng katotohanan. Hindi siya matanggap ng mundo dahil hindi siya nakikita o nakikilala ng mga ito. Ngunit kilala nʼyo siya, dahil kasama nʼyo siya at siyaʼy sasainyo.
I-explore Juan 14:16-17
7
Juan 14:13-14
At anuman ang hilingin nʼyo sa aking pangalan ay gagawin ko upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Oo, gagawin ko ang anumang hilingin ninyo sa aking pangalan.
I-explore Juan 14:13-14
8
Juan 14:15
“Kung mahal nʼyo ako, sundin ninyo ang aking mga utos.
I-explore Juan 14:15
9
Juan 14:2
Sa tahanan ng aking Ama ay maraming silid. Pupunta ako roon upang ipaghanda kayo ng lugar. Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito totoo.
I-explore Juan 14:2
10
Juan 14:3
Kapag naroon na ako at naipaghanda na kayo ng lugar, babalik ako at isasama kayo upang kung nasaan ako ay naroon din kayo.
I-explore Juan 14:3
11
Juan 14:5
Sinabi ni Tomas sa kanya, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano po namin malalaman ang daan?”
I-explore Juan 14:5