Anak, tanggapin at ingatan mo sa iyong puso
ang mga itinuturo at iniuutos ko sa iyo.
Pakinggan mo kung ano
ang makapagbibigay sa iyo
ng karunungan at kaalaman.
Manawagan ka
upang ikaʼy maging marunong,
at magsumamo ka
upang ikaʼy makaunawa
na parang naghahanap ka ng pilak
o anumang nakatagong kayamanan.
Kung gagawin mo ito, malalaman mo
kung ano ang pagkatakot sa PANGINOON
at mauunawaan mo ang tungkol sa kanya.