Mga Kawikaan 2:16-17
Mga Kawikaan 2:16-17 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ilalayo ka ng karunungan sa masamang babaeng gustong umakit sa iyo sa pamamagitan ng kanyang matatamis na salita. Iniwan ng ganyang babae ang napangasawa niya noong kanyang kabataan. Kinalimutan niya ang pangako niya sa Dios nang silaʼy ikasal.
Ibahagi
Basahin Mga Kawikaan 2Mga Kawikaan 2:16-17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Malalayo ka sa babaing mahalay, at sa kanyang pang-aakit ay hindi ka maaakay. Siya ay babaing hindi tapat sa asawa; ang sumpaan sa altar ay binale-wala niya.
Ibahagi
Basahin Mga Kawikaan 2Mga Kawikaan 2:16-17 Ang Biblia (TLAB)
Upang iligtas ka sa masamang babae, sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita; Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan, at lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios
Ibahagi
Basahin Mga Kawikaan 2