Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 2

2
Ang Kahalagahan ng Karunungan
1Aking anak, ang mga pangaral ko ay dinggin mo,
at ang aking mga utos, ingatan nga at sundin mo.
2Ang pakinig mo'y ibaling sa wastong karunungan,
at ito ay isipin nang iyong maunawaan.
3Pagsikapan mong hanapin ang tunay na kaalaman,
pang-unawa'y pilitin mong makita at masumpungan.
4Kung ito ay parang pilak na iyong hahanapin,
at tulad ng ginto, na iyong miminahin,
5malalaman mo kung ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh,
at matatamo ang kaalaman tungkol sa Diyos.
6Sapagkat#Kar. 9:10; Ecc. 1:1. si Yahweh ang nagkakaloob ng karunungan,
sa bibig niya ang kaalaman at unawa'y bumubukal.
7Bibigyan niya ng unawa ang matuwid ang pamumuhay,
at ang taong matapat ay kanyang iingatan.
8Binabantayan niya ang daan ng katarungan,
at ang lakad ng lingkod niya'y kanyang sinusubaybayan.
9Kaya nga, iyong mauunawaan ang katuwiran at katarungan,
at iyong susundan ang landas ng kabutihan.
10Lalawak ang karunungang matatanim sa isipan,
madadama ang kasiyahang dulot nitong kaalaman.
11Ang natamong kaalaman sa iyo ay mag-iingat,
ang unawa'y maglilihis sa liku-likong landas.
12Ilalayo ka nito sa masamang pamumuhay,
at doon sa mga taong ang nais ay kaguluhan;
13ilalayo ka rin nito sa mga tampalasan,
na ang landas na pinili ay landas ng kadiliman,
14mga taong ang hilig ay paggawa ng kasamaan,
ang kanilang kasiyaha'y pawang walang kabuluhan.
15Sa ugaling taglay nila'y di sila maaasahan,
sila ay hindi tapat, hindi mapagkakatiwalaan.
16Malalayo ka sa babaing mahalay,
at sa kanyang pang-aakit ay hindi ka maaakay.
17Siya ay babaing hindi tapat sa asawa;
ang sumpaan sa altar ay binale-wala niya.
18Kaya naman ang landas niya'y patungo sa kamatayan,
at ang kanyang buhay ay tungo sa kawakasan.
19Sinumang maakit niya ay tuluyang natatangay,
at hindi na makakabalik sa maayos na pamumuhay.
20Kaya nga, tahakin mo ang landas ng kabutihan,
huwag itong hiwalayan hanggang hininga ay mapatid.
21Pagkat ang mabuting tao'y magtatagal sa daigdig,
ang may buhay na matapat ay hindi matitinag.
22Ngunit ang masama sa lupai'y mawawala,
bubunutin pati ugat ng lahat ng mandaraya.

Kasalukuyang Napili:

Mga Kawikaan 2: MBB05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in