1
Kawikaan 3:5-6
Ang Salita ng Dios
Magtiwala ka nang buong puso sa PANGINOON at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang PANGINOON sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
Paghambingin
I-explore Kawikaan 3:5-6
2
Kawikaan 3:7
Huwag mong isipin na napakarunong mo na. Matakot ka sa PANGINOON, at huwag gumawa ng masama.
I-explore Kawikaan 3:7
3
Kawikaan 3:9-10
Parangalan mo ang PANGINOON sa pamamagitan ng paghahandog sa kanya ng mga unang bunga ng iyong ani. Kapag ginawa mo ito, mapupuno ng ani ang iyong mga bodega at aapaw ang inumin sa iyong mga sisidlan.
I-explore Kawikaan 3:9-10
4
Kawikaan 3:3
Manatili kang mapagmahal at matapat; alalahanin mo itong lagi at itanim sa iyong isipan.
I-explore Kawikaan 3:3
5
Kawikaan 3:11-12
Anak, huwag mong mamasamain kapag itinatama ka ng PANGINOON upang ituwid ang iyong pag-uugali. Sapagkat itinutuwid ng PANGINOON ang ugali ng kanyang mga minamahal, katulad ng ginagawa ng isang ama sa kanyang anak na kinalulugdan.
I-explore Kawikaan 3:11-12
6
Kawikaan 3:1-2
Anak, huwag mong kalilimutan ang mga itinuturo ko sa iyo. Ingatan mo sa iyong puso ang mga iniuutos ko, sapagkat ito ang magpapahaba at magpapaunlad ng iyong buhay.
I-explore Kawikaan 3:1-2
7
Kawikaan 3:13-15
Mapalad ang taong may karunungan at pang-unawa. Higit pa ito sa pilak at ginto, at sa ano pa mang mga mamahaling bato. Walang anumang bagay ang maaaring ipantay dito.
I-explore Kawikaan 3:13-15
8
Kawikaan 3:27
Hanggaʼt makakaya mo, tulungan mo ang mga dapat tulungan.
I-explore Kawikaan 3:27
9
Kawikaan 3:19-20
Sa pamamagitan ng karunungan, nilikha ng PANGINOON ang lupa at ang langit, at bumukas ang mga bukal at mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan.
I-explore Kawikaan 3:19-20
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas