1
Salmo 95:6-7
Ang Salita ng Diyos
ASD
Halikayo, lumuhod tayo at sumamba sa PANGINOON na lumikha sa atin. Dahil siya ang ating Diyos at tayo ang kanyang mga mamamayan; tulad natiʼy mga tupa sa kanyang kawan na kanyang binabantayan at inaalagaan. Kung maririnig nʼyo lang sana ang tinig niya!
Paghambingin
I-explore Salmo 95:6-7
2
Salmo 95:1-2
Halikayo, magsiawit tayo nang may kagalakan! Sumigaw tayo sa pagpupuri sa PANGINOON na ating Batong kanlungan at tagapagligtas. Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat, at masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya.
I-explore Salmo 95:1-2
3
Salmo 95:3
Dahil ang PANGINOON ay dakilang Diyos. Makapangyarihang Hari sa lahat ng mga diyos-diyosan.
I-explore Salmo 95:3
4
Salmo 95:4
Hawak niya ang kailaliman ng lupa maging ang tuktok ng mga bundok ay sa kanya.
I-explore Salmo 95:4