Mga Awit 95:1-2
Mga Awit 95:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tayo na't lumapit kay Yahweh na Diyos, siya ay awitan, ang batong kublihan, atin ngang handugan, masayang awitan! Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak.
Mga Awit 95:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Halikayo, magsiawit tayo nang may kagalakan! Sumigaw tayo sa pagpupuri sa PANGINOON na ating Bato na kanlungan at tagapagligtas. Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat, at masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya.
Mga Awit 95:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon: tayo'y magkaingay na may kagalakan sa malaking bato na ating kaligtasan. Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat, tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.
Mga Awit 95:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tayo na't lumapit kay Yahweh na Diyos, siya ay awitan, ang batong kublihan, atin ngang handugan, masayang awitan! Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak.
Mga Awit 95:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon: Tayo'y magkaingay na may kagalakan sa malaking bato na ating kaligtasan. Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat, Tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.