Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 95

95
Pagpuri sa Panginoon at babala laban sa di pagsampalataya.
1 # Awit 55:23. Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon:
# Awit 100:1. Tayo'y magkaingay na may kagalakan #Deut. 32:15; 2 Sam. 22:47. sa malaking bato na ating kaligtasan.
2Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat,
Tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.
3Sapagka't ang #Awit 97:9. Panginoon ay dakilang Dios,
At dakilang Hari sa lahat ng mga dios,
4Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa,
Ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin.
5Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa:
At ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa.
6Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod;
Tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.
7Sapagka't siya'y ating Dios,
At tayo'y #Awit 74:1. bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay.
Ngayon, kung #Heb. 3:7-11, 15; 4:7. inyong didinggin ang kaniyang tinig!
8Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba,
Gaya sa kaarawan ng Masa #Ex. 17:2, 7; Blg. 14:22. sa ilang:
9 # 1 Cor. 10:9. Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang,
Tinikman ako, at nakita ang gawa ko.
10Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon,
At aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso.
At hindi naalaman ang aking mga daan:
11Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot,
# Heb. 4:3, 5; Blg. 14:28. Na sila'y hindi magsisipasok sa aking #Deut. 12:9. kapahingahan.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 95: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in