1
Mga Kawikaan 3:5-6
Magandang Balita Biblia (2005)
Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.
Paghambingin
I-explore Mga Kawikaan 3:5-6
2
Mga Kawikaan 3:7
Huwag mong ipagyabang ang iyong nalalaman; igalang mo't sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan.
I-explore Mga Kawikaan 3:7
3
Mga Kawikaan 3:9-10
Parangalan mo si Yahweh sa pamamagitan ng iyong mga kayamanan, at mula sa iyong mga pinakamainam na ani, siya ay iyo ring handugan. Sa gayon, kamalig mo ay lagi nang aapaw, sisidlan ng inumin ay hindi nga matutuyuan.
I-explore Mga Kawikaan 3:9-10
4
Mga Kawikaan 3:3
Pananalig at katapata'y huwag mong tatalikuran, ikuwintas sa iyong leeg at itanim sa isipan.
I-explore Mga Kawikaan 3:3
5
Mga Kawikaan 3:11-12
Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin, at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil, pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan, tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang.
I-explore Mga Kawikaan 3:11-12
6
Mga Kawikaan 3:1-2
Anak ko, ang aral ko ay huwag mong lilimutin, lahat ng aking utos sa isipan mo'y itanim; upang araw mo'y tumagal, humaba ang iyong buhay, at maging masagana sa lahat ng kailangan.
I-explore Mga Kawikaan 3:1-2
7
Mga Kawikaan 3:13-15
Mapalad ang isang taong nakasumpong ng karunungan, at ang taong nagsisikap, unawa ay nagtatamo. Higit pa sa pilak ang pakinabang dito, at higit sa gintong lantay ang tubo nito. Sa alinmang alahas ay higit ang karunungan, at walang kayamanang dito ay maipapantay.
I-explore Mga Kawikaan 3:13-15
8
Mga Kawikaan 3:27
Ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa, kung ika'y may kakayahan na ito ay magawâ.
I-explore Mga Kawikaan 3:27
9
Mga Kawikaan 3:19
Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig, sa pamamagitan ng talino, inayos niya ang buong langit.
I-explore Mga Kawikaan 3:19
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas