Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay,
mga bagay na kanyang kinasusuklaman:
kapalaluan, kasinungalingan,
at mga pumapatay sa walang kasalanan,
pusong sa kapwa'y walang mabuting isipan,
mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan,
saksing sinungaling, mapaglubid ng buhangin,
pag-awayin ang kapwa, laging gusto niyang gawin.