1
Mga Taga-Roma 14:17-18
Ang Biblia
Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi ang pagkain at paginom, kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo. Sapagka't ang sa ganito ay naglilingkod kay Cristo ay kalugodlugod sa Dios, at pinatutunayan ng mga tao.
Paghambingin
I-explore Mga Taga-Roma 14:17-18
2
Mga Taga-Roma 14:8
Sapagka't kung nangabubuhay tayo, sa Panginoon tayo'y nangabubuhay; o kung nangamamatay tayo, sa Panginoon tayo'y nangamamatay: kaya't sa mabuhay tayo, o sa mamatay man, tayo'y sa Panginoon.
I-explore Mga Taga-Roma 14:8
3
Mga Taga-Roma 14:19
Kaya nga sundin ang mga bagay na makapapayapa, at ang mga bagay na makapagpapatibay sa isa't isa.
I-explore Mga Taga-Roma 14:19
4
Mga Taga-Roma 14:13
Huwag na nga tayong mangaghatulan pa sa isa't isa: kundi bagkus ihatol ninyo ito, na ang sinoman ay huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kaniyang kapatid o kadahilanan ng ikararapa.
I-explore Mga Taga-Roma 14:13
5
Mga Taga-Roma 14:11-12
Sapagka't nasusulat, Buhay ako, sabi ng Panginoon, sa akin ang bawa't tuhod ay luluhod, At ang bawa't dila ay magpapahayag sa Dios. Kaya nga ang bawa't isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kaniyang sarili.
I-explore Mga Taga-Roma 14:11-12
6
Mga Taga-Roma 14:1
Datapuwa't ang mahina sa pananampalataya ay tanggapin ninyo, hindi upang pagtalunan ang kaniyang pagaalinlangan.
I-explore Mga Taga-Roma 14:1
7
Mga Taga-Roma 14:4
Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, patatayuin siya; sapagka't makapangyarihan ang Panginoon na siya'y maitayo.
I-explore Mga Taga-Roma 14:4
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas