1
COLOSAS 2:6-7
Ang Biblia, 2001
Kaya't kung paanong tinanggap ninyo si Cristo Jesus na Panginoon, ay lumakad kayong gayon sa kanya, na nakaugat at nakatayo sa kanya, at matibay sa pananampalataya, gaya ng itinuro sa inyo, na sumasagana sa pasasalamat.
Paghambingin
I-explore COLOSAS 2:6-7
2
COLOSAS 2:8
Kayo'y mag-ingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng pilosopiya at walang kabuluhang pandaraya, ayon sa tradisyon ng mga tao, ayon sa mga simulain ng sanlibutan, at hindi ayon kay Cristo.
I-explore COLOSAS 2:8
3
COLOSAS 2:13-14
At kayo'y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan at sa di-pagtutuli ng inyong laman ay kanyang binuhay kayong kasama niya, nang ipinatawad niya sa inyo ang lahat ng mga kasalanan, na pinawi ang sulat-kamay na laban sa atin na nasa mga tuntuning salungat sa atin, at ito'y kanyang inalis at ipinako sa krus.
I-explore COLOSAS 2:13-14
4
COLOSAS 2:9-10
Sapagkat sa kanya'y naninirahan ang buong kapuspusan ng pagka-Diyos sa katawan, at kayo'y napuspos sa kanya, na siyang ulo ng lahat ng pamunuan at kapangyarihan.
I-explore COLOSAS 2:9-10
5
COLOSAS 2:16-17
Kaya't ang sinuman ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain at inumin, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o mga araw ng Sabbath, na ang mga ito ay isang anino ng mga bagay na darating, ngunit ang katawan ay kay Cristo.
I-explore COLOSAS 2:16-17
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas